Wednesday, July 22, 2009

PARA SA MGA EX LOVERS!!!!at mga CRUSH!!!

ang mga bagay na akala mo tama pero mali pala sa mga ex lovers..

MAGPANGGAP NA MASAYA — kung heartbroken ka eto ang pinaka madalas nangyayari walang problema, nakahanap na ng iba at kung ano-ano pang pagpapanggap na ginagawa para lang di ka masabihan na BITTER o kaya naman eh di MAKA-MOVE ON. pipilitin mong paniwalain ang mga tao sa paligid mo na masaya ka kahit ang totoo ay sobrang lungkot mo na.

MAGSINUNGALING — pag tinanong ka kung mahal mo pa ba ang X mo madalas ng sagot ang “HINDI” pero kabaligtaran pala ang ibig sabihin. o kaya naman ay tatanungin ka kung masaya ka ba para sa X mo na nakahanap na ng iba ang sagot mo “OO” pero hindi naman pala.

AWAYIN ANG CURRENT GF/BF niya — dahil di ka maka move on at sobrang pagmamahal mo eh di mo namamalayan na inaaway mo na pala lahat ng pinopormahan ng X mo na para bang ayaw mo siyang makahanap ng bagong mamahalin at papayag ka lang pag nakahanap ka na.

FRIENDS “KUNO” — tsk..tsk..makipag friends sa bagong minamahal ng X mo kahit pang sabihin natin na wala namang masama sa makipag kaibigan (wala naman talagang masama) pero kung meron ka pa ding pagtingin sa X mo iwasan mo na muna ang ganitong eksena dahil masasaktan at masasaktan ka pa din dahil malalaman kung ano ang saya na nararamdaman niya ngayong di na ikaw ang babae/lalaki na nagpapasaya sa kanya.

MAGHABOL — mahal na mahal mo siya kaya ayon hinahabol mo pa din siya, gusto mo ng closure? o kaya naman ay gusto mo pa di subukan na ayusin ang relasyon niyo. ito lang ah, kung ayaw na ng isa wala ng dahilan para habulin mo pa siya. tama na yung nasaktan ka matuto ka na dun dahil pag hinabol mo pa din siya di mo pa din magugustuhan ang sagot niya. di ka naman niya hihiwalayan kung alam niya talagang may paraan pa.

pagdating naman sa CRUSHes ito ang mga bagay na akala mo tama pero mali pala.

SHY TYPE — di umaamin..crush pa lang naman so there’s nothing wrong kung aaminin mo sa kanya remember: “nasa huli ang pagsisisi” XD. wala naman masama kung umamin ka minsan kailangan mo din ipaalam sa kanila para di ka nila mamisunderstood.

STALKER — ito ang drama, may nagugustuhan ka tapos gusto mo malaman lahat sa kanya sa sobrang gusto mo malaman lahat di mo namamalayan eh para ka na pa lang stalker niya na kulang na lang ay i-hack mo ang mga online accounts niya naku, delikado yan baka matakot lang sa’yo ang crush mo.

LET’S BE MORE THAN THAT — ok crush mo siya at crush ka niya pero di ibig sabihin nun ay pipilitin mo na, na maging kayo. malaki ang pagkakaiba ng CRUSH sa LOVE kaya wag kang pakasisiguro na mahal ka na niya dahil lang sa nalaman mo na crush ka niya.

AGAWAN — crush pa lang pero nag aagawan na, oo nga nagugustuhan mo na siya pero di ibig sabihim nun ay ipagdadamot mo na siya. minsan pa umaabot pa ang mga ganitong sinaryo sa awayan tsk..tsk. malaya siyang magka-crush sa iba at malaya ka pa din na magka-crush sa iba, wag mo limitahan ang sarili mo pagdating sa mga crush. gusto pa lang naman siya di mo pa siya mahal.

THE ANOTHER MAN or WOMAN — my lalaki/babae kang crush super crush yung tipong malapit ka ng mapamahal sa kanya pero may isang problema, COMMITTED na siya. ouch! eto ang tandaan mo pagdating diyan, di ka mangaagaw at di ka maninira ng relasyon kaya pagaralan mo kung paano kontrolin ang nararamdaman mo habang my pagkakataon pa IWASAN mo ang mga sitwasyon na kailangan mo siyang agawin. RESPETO pa din ang pairalin. respetuhin mo na my iba siyang taong minamahal.

No comments:

Post a Comment

Post a Comment