Wednesday, July 22, 2009

signs that you’ve forgotten you ex! nukx :))

1. di ka na natataranta pag tumatawag siya sa’yo, kaya mo na din ito sagutin o kaya naman ay patayin na lang dahil istorbo sa pagtulog mo.

2. di ka na nagpapaload ng biglaan dahil lang sa nakatanggap ka ng message galing sa kanya na kinakamusta ka niya, kaya mo na din deadmahin lahat ng text niya kahit pa kinukulit ka niya o nagpaparamdam lang.

3. sa isang kwentuhan kasama ang mga kaibigan mo di mo na siya nababanggit kahit na may naaalala ka bigla tungkol sa kanya.

4. bihira mo ng puntahan ang friendster/multiply/facebook o kung ano man yan na konektado sa kanya.

5. kaya mo ng puntahan ang mga lugar kung saan madalas kayo dating magkita.kumain,tumambay at magkwentuhan.

6. di mo iniiyakan yung nga kantang nakakapagpapaalala sa kanya, limot mo na din ang lyrics ng theme song niyo nung kayo pa.

7. lumalabas ka na kasama ang ibang lalaki, nakikipag interact ka na sa ibang tao matapos ang masaklap niyong paghihiwalay.

8. kaya mo na siyang tignan sa mata pag nagkakasalubong kayo na may kasama pang ngiti sa iyong mukha.

9. wala ka ng pakialam kung may kasama siyang iba at wala ka ng nararamdaman na kung ano pa man.

10. meron ka ng ibang crush o ka fling

11. kaya mo ng kausapin ang common friends niyo kahit pa mas close ang mga ito sa EX mo.

12. nakagawa ka na ng bagong plano sa buhay mo na ang importanteng nakalagay ay di na kasama ang EX mo sa mga magiging desisyon mo sa buhay sa future.

13. di ka na umiiyak pagkatapos ka niya ipagpalit

14. di ka na nakikialam sa kung ano mang desisyon na gawin ng EX mo sa buhay niya.

15. at ang huli, di ka na nakikialam sa bagong relasyon na meron siya kahit na di ka pa nakakahanap ng iba dahil alam mo na dadating din yung tamang tao sa iyo sa tamang panahon at hindi yun ang EX mo.

No comments:

Post a Comment