Saturday, July 25, 2009

quotes :) /

· Sabi nila, wag kitang mahalin ng sobra. Di ako nakinig. Kaya ng mawala ka, sobra akong nasaktan. Sabi nila, "Ano, kita mo na?" Sabi ko, "Ok lang. Bago naman sha mawala, napasaya naman niya ko ng sobra."

· Sabi mo mahal mo ko, naniwala naman ako. Sabi mo di mo ko iiwan, ang sabi ko, "Oo, aasahan ko yan ah!" Pero bakit paglipas ng panahon, nakita kita at narinig pa ang mga sinabi mo sa akin, sinasabi mo rin sa iba.

· Kung mahal mo raw, ipaglaban mo. Totoo ba yun? Paano kung hindi ka niya mahal? Anong ipaglalaban mo? Isang pag-ibig na ikaw lang ang nakakadama? Mahirap ata yun ah! Kaya mo ba? Pero kapag mahal mo talaga, kakayanin mo diba?

· Sabi nila, ang tanga ko daw kasi hinihintay pa rin kita. Kasi ok lang sa akin kahit nandiyan sha. Kasi wala naman akong magagawa para malaman mo na mahal kita. Paano kapag naging tayo? E di masaya, isang manhid at isang tanga.

· Dati, sha yung niligawan mo, ngayon ako naman. Dati, sha yung mahal mo, ngayon ako naman. Dati, sha yung tinutukso sayo, ngayon ako naman. Dati, sha yung pinapaiyak mo, ngayon ba ako naman?

· Hindi man tayo mag-usap araw-araw o magkita madalas, magtawanan

gaya

ng dati, magtrip kahit badtrip. Pero ito tatandaan mo, walang sinuman ang pwedeng pumalit sayo.

· Minsan naisip ko, kung ano ang tama para sayo, yun ang mali sa mata nila. Pero kung ano ang ayaw mo, pinagpipilitan nila. Ganon ba talaga ang mahalin ka? Tama sa akin, pero mali sa paningin nila?

murneen :)
EARLY TO BED
EARLY TO RiSE =))

No comments:

Post a Comment